nakakatawa…

nakakatawa na maraming Pilipino ang nagsasambit na sila ay “proud to be Filipino” sa mga talakayan sa internet na ang topic ay mga pawang lamang tungkol sa mga Pilipino na nagtatagumpay sa ibang bansa sa larangan ng pag awit, palakasan at kung ano pang anik-anik. (charice pempengco, manny pacquiao..etc..)

OO proud ako sa kanila at sa kanilang nararating, hindi ko ito kinukwestyon, ang nakakatawa lang ay duon lang sa mga bagay na iyon makikita at maririnig mo ang isang Pilipino sa sabihin iyong proud siya. bakit hindi natin ito gawin sa pang araw araw.? yung tipong kahit sa normal na conversation? hindi ko rin sinasabi na wag na tayong mag ingles, o gumamit ng imported na produkto. ang tanging punto ko lang ay BAKIT SA GANOONG PAGKAKATAON LAMANG LUMALABAS ANG PAGIGING NASYOLANISTANG PILIPINO ng mga PILIPINO? hindi ba natin kayang maging proud sa araw araw?


may mga nababasa pa ako na sila daw ay Pilipino, ngunit hindi nila alam na may mahigit sa 7,000 isla ang Pilipinas. hindi rin nila alam na ang LANGUAGE at DIALECT ay magkaiba. tulad ng pag sasabi nila na ang TAGALOG ay ang LAnguage ng Pilipinas, at ang Filipino ay ang nationality. Ang Opisyal na Lenguahe po ng Pilipinas ay Filipino( ito rin ang tawag sa nasyonalidad) pero within that ay may iba’t ibang Dialects na ginagamit sa iba’t ibang bahagi at isla sa Pilipinas. kung baga ang Filipino ay collective term ng mg a dialects sa Pilipinas. Isipin na lang ano ang mararamdaman ng mga Bisaya, Ilocano, Ilonggo, chabacano, waray, at iba pa, kung ang sasabihin natin na ang TAGALOG ang nationla Language ng Pilipinas.


hindi ko icla-claim na ako ay isang huwarang Pilipino sapagkat ako ay may pagkukulang rin. pero ang punto ko na bakit ang mga simpleng bagay na ito ay hindi alam ng mga kapwa ko Pilipino na sinasabi nilang sila ay Proud. ang pagiging proud sa aking paniniwala at nararapat na dapat ay ipakita din sa nalalaman at gawa, hindi nakakasapat na sambitin mo ang mga katagang “I’m Proud to be Filipino” dahil lamang may nakita kang kapwa pinoy na nagtatagumpay sa ibang bansa. bakit hindi ako makabasa sa mga komento sa mga video sa youtube na proud to be pinoy sila sa mga video ng mga local entertainers sa ASAP or SOP? bakit puro sa video ni charice na pinalabas sa OPRAH o Ellen de Generes? hindi ba’t pareho lamang silang kumakanta? sa aking paniniwala ay kasing husay pa nga ni cahrice minsan ang sumasali sa Birit baby ng eat Bulaga eh. at sa video ni Arnel Pineda nung siya ay nasa Bandang Zoo?

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s